Sa pangunguna ng Samar Sub-Field Office, namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng 384 na Family Food Packs (FFPs) sa 192 na pamilya sa Brgy. Barruz, Matuguinao, Samar. Ang nasabing barangay ay isinailalim sa granular lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19. Aktibo ring nakibahagi sa distribusyon ng FFPs ang lokal na pamahalaan ng LGU, kasama ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO).

Isa ang Matuguinao sa mga LGU na nakatanggap ng FFPs mula sa DSWD ngayong linggo. Nauna dito, nag-release din ang ahensya ng mga FFPs sa Tacloban City at Tolosa matapos mag-request itong mga LGU ng dagdag na relief items para sa isinasagawang relief operations para sa mga naapektuhan ng COVID19.

Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape. Ito ay sapat para sa dalawa hanggang taltlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

photo credits: Francis Batula

#DSWDMayMalasakit