Bilang suporta ng DSWD FO8 sa isinasagawang relief operations ng Tacloban City para sa mga lugar na isinasailalim sa granular lockdown, nag-release kamakailan ang ahensya ng 2,000 FFPs matapos mag-request ang Local Government Unit ng siyudad.

Ang umiiral na granular lockdown sa ilang mga barangay ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID19 kamakailan. Ayon sa lokal na pamahalaan ito ay upang masiguro na mahinto ang pagkalat ng nasabing virus.

Bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilong bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape. Ito ay sapat para sa dalawa hanggang taltlong araw para sa pamilyang may limang miyembro.

#DSWDMayMalasakit