Patuloy ang relief operations ng DSWD Eastern Visayas para sa mga munisipyong naapektuhan ng Bagyong Dante. Kamakailan, nag-withdraw ang Local Government Unit ng Biliran, Biliran ng 600 na Family Food Packs (FFPs) mula sa Regional Resource Operations Center ng DSWD.

Sa kabuuan, 1,000 na FFPs na ang kinuha ng Biliran mula sa 1,408 na FFPs na inilaan ng DSWD para sa munisipyo. Maliban dito, nag-release din ang DSWD ng 1,036 FFPs para sa Maasin City.

Patuloy naman ang produksyon ng DSWD ng dagdag na FFPs bilang paghahanda sa mga sakuna. 

#DSWDMayMalasakit