“Bakunado na kami dito sa DSWD Leyte 2 Sub-Field Office!”

Ito ang pahayag ni Ms. Jhoanne Cuesta, isa sa mga kawani ng DSWD Eastern Visayas na nakatalaga sa Leyte 2 Sub-field Office sa Ormoc City, Leyte, kung saan sabay-sabay na nagpabakuna kamakailan ang mga kawani laban sa COVID19.

“Maganda at nabakunahan na kami. Sa trabaho kasi namin, marami kaming nakakahalubilong tao, lalo na kapag distribusyon ng mga subsidy, mga financial assistance at kung ano pang serbisyo. Syempre proteksyon na ito, di lang para sa amin, kundi pati na rin sa mga kliyente namin.” dagdag ni Ms. Cuesta.

Ayon sa pinakahuling tala noong July 23, nasa 661 na na kawani ng DSWD Eastern Visayas ang nagpabakuna. Sa bilang na ito, 365 ang fully-vaccinated na, o nakuha na ang dalawang dose ng bakuna.

Patuloy naman ang pagsuporta ng DSWD sa isinasagawang vaccination program ng gobyerno at patuloy na hinihikayat ng DSWD ang lahat na magpabakuna laban sa COVID19. Ipinapaalala din ng ahensya na patuloy nating sundin ang mga health protocols na itinakda ng ating pamahalaan. Lagi nating tandaan ang BIDA:

Bawal ang walang facemask at faceshield
I-sanitize lagi ang mga kamay
Dumistansya ng isang metro
Alamin ang totoong balita

📷 credits Jhoanne Cuesta

#DSWDMayMalasakit