Napatunayan ni Lecarion Dacles ng San Jose De Buan, Samar na ito ay possible. Ito ang kanyang kwento.

Inamin ni Lecarion na dati ay mababa ang tingin niya sa kanyang sarili, at nag-aalinlangang tumanggap ng anomang responsibilidad sa barangay. Nang dumating ang DSWD KALAHI-CIDSS program ay malaki ang papel nito upang ang ordinaryong residente kagaya niya ay mahasa at magkaroon ng oportunidad na mapaunlad ang sarili, at makatulong na makamit ang pagbabago.

Nagsimulang maging community volunteer si Lecarion ng taong 2011. Nakatutok siya sa komitiba ng mga boluntirs na naatasan sa pagbili o pagprocure ng mga kakailanganing materyales sa pagsagawa ng kanilang napiling proyekto sa komunidad. Nabigyan siya ng pagkakataong dumalo sa mga seminars, at trainings sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS, upang mas maging maalam pa siya sa procurement process. Nakalahok din siya sa mga pagsasanay kung paano ang mamuno o maging isang lider ng kanilang barangay.

Dahil sa mga karanasan at natutunan niya mula sa programa ay tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili. Napatunayan niya na ang tulad niya ay kailangan lang mabigyan ng oportunidad upang linangin ang kakayahang mamuno.

Dala dala pa rin ni Lecarion ang kanyang mga natutunan sa programa ngayong isa na siyang barangay kagawad.

“Dahil sa natutunan ko noon bilang boluntir sa ilalim ng KALAHI-CIDSS , tumaas ang kumpiyansa ko sa aking sarili. Kaya ko palang mamuno. Ngayong kagawad na ako ng aming barangay, dala ko pa rin ang aking mga natutunan sa programa.”, sambit ni Lecarion.

Ipinahayag din niya na bilang opisyal ng barangay ngayon ay kaisa siya sa nagtataguyod ng mga aral ng DSWD KALAHI-CIDSS sa kanilang barangay , lalo na ang pagtutulungan o pagkakaisa ng lokal na pamunuan, at ng mapanuring pamayanan upang makamit ang pagbabagong inaasam-asam.

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!