TIGNAN: 30,273 indigent senior citizens na ang naabutan ng tulong sa ilalim ng Social Pension Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas, para sa unang semester ng taong 2021.

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay isa sa mga probisyon na nakasaad sa ilalim ng Seksyon 5 Batas Republika 9994 o kilala bilang Expanded Senior Citizens Act, kung saan ang mga kwalipikadong mahihirap na matatanda ay tatanggap ng tulong pinansyal na Php 500 sa isang buwan o Php 3,000 sa isang semester mula sa gobyerno, upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, at iba pang mga medikal na pangangailangan.

#DSWDMayMalasakit
#SocialPensionProgram