Umabot sa 1,014 na pamilyang apektado ng Bagyong Bising ang nabigyan ng cash assistance ng DSWD Field Office VIII ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensya.


Sa pangunguna ng Sub-Field Office Coordinator Edizon Cinco, katuwang ang mga Regional at Provincial Crisis Intervention Section (CIS) staff, mga miyembro ng Municipal Action Team (MAT) at Office of the President, namahagi ang DSWD ng Php5,000.00 na ayuda sa bawat pamilya mula sa sampung barangay ng Arteche, Eastern Samar na pinaka naapektuhan ng pagbaha dulot ng Bagyong Bising.


Sa pakikipagtulungan ng DSWD at ng local na pamahalaan ng Arteche sa pangunguna ni Mayor Roland Boie Evardone at ni Ms. Judith Pombo – OIC MSWDO, nakapamahagi ang DSWD ng kabuuang Php5,070,000.00 tulong pinansiyal.


Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o (AICS) ay isang program ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga kababayan nating mahirap sa pamamagitan ng pamimigay ng tulong pinansyal, medikal at psychosocial na suporta kaakibat ang iilang ahensya ng gobyerno sa pamimigay ng suporta sa bawat pilipinong nangangailangan.

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!