Malaking tulong ang sahod na nakuha ni Rima Surio mula sa cash-for-work project sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS program, upang madagdagan ang kanilang araw-araw na panggastos katulad ng pagkain.

Batid ni Rima ang epekto ng pandemya lalo na at natigil siya sa paglalabada sa kasagsagan ng pagpapatupad ng community quarantine sa kanilang lugar sa Silvino Lubos, Northern Samar. Kaya nang dumating ang oportunidad na siya ay makapagtrabaho sa pamamagitan ng cash-for-work, agad niya itong tinanggap.

Paglilinis ng barangay trail at kanal ang napiling cash-for-work project nila Rima sa Brgy. Cababayogan sa Silvino Lubos.Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php 303,199.00.

Bilang residente, hindi lamang dahil sa dagdag na kita nagpapasalamat si Rima, pati rin sa oportunidad na ibinigay ng DSWD KALAHI-CIDSS upang matulungan ang kanyang pamayanan na maiwasan ang mga epekto na dala ng maruming kapaligiran.

Isa lamang si Rima sa 147 residente na nakapagtrabaho sa cash-for-work project sa nabanggit na lugar.

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!

(credits: DSWD TF Ian Salundaguit)