TINGNAN: 1,960 na pamilyang apektado ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic ang nabigyan ng cash assistance ng DSWD Field Office VIII sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) nito.

Sa pangunguna ng Sub-Field Office Coordinator Edizon R. Cinco, katuwang ang mga Regional at Provincial Crisis Intervention Section (CIS) staff, mga miyembro ng Municipal Action Team (MAT) at Office of the President, namahagi ang DSWD ng Php3,000.00 na ayuda sa mga “indigent” na pamilya na kabilang sa sektor ng lokal na transportasyon, pangingisda, pagsasaka at informal economy sa munisipalidad ng Can-avid, Oras, Salcedo at Gen. MacArthur sa probinsiya ng Eastern Samar noong September 17 at 20, 2021.

Sa pakikipagtulungan ng DSWD sa mga lokal na pamahaalan ng mga nasabing bayan, nakapamahagi ang DSWD ng kabuuang Php5,880,000.00 tulong pinansiyal.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o (AICS) ay isang program ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga kababayan nating mahirap sa pamamagitan ng pamimigay ng tulong pinansyal, medikal at psychosocial na suporta kaakibat ang iilang ahensya ng gobyerno sa pamimigay ng suporta sa bawat pilipinong nangangailangan.

DSWDMayMalasakit #PadayonSiniranganBisayas

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!