Kumpleto na ang pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) para sa mga naapektuhan ng bagyong Jolina sa Salcedo, Eastern Samar. Nagtulungan ang DSWD Eastern Visayas (Eastern Samar Sub-Field Office) at ang lokal na pamahalaan upang maipamahagi itong mga FFPs sa 1,671 na mga pamilya.

Isa ang Salcedo sa mga munisipyo na nag-request at nag-withdraw ng FFPs mula sa DSWD bilang pagresponde sa bayong Jolina.

May inilaan na 24,660 FFPs ang DSWD para sa mga munisipyong naapektuhan ng Jolina, katulad ng Salcedo. Sa pinakahuling tala, 22,716 FFPs (na nagkakahalaga nang P11,166,733.52) na ang nai-release, habang 15,242 naman dito ang naipamahagi na sa mga benepisaryo. Kasama sa release ng FFPs ang sumusunod na mga munisipyo:
2,500 FFPs sa Quinapondan,
1,000 sa Mercedes,
2,000 sa Maydolong,
2,000 sa Hernani,
1,671 sa Salcedo,
2,300 sa General Macarthur,
2,000 sa Lawaan,
2,315 sa Calbiga,
2,484 sa Tagapul-an,
1,900 sa San Sebastian,
475 sa Jiabong,
265 sa Catbalogan City,
1,144 sa Sto. Niño, at
662 para sa Burauen

Sa ngayon, patuloy naman ang DSWD sa relief operations nito para sa bagyong Jolina.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagresponde sa mga sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit

photo credits Jospeh Dela Peña