Dumadami ang mga pamilyang nakakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) habang nagpapatuloy ang relief operations para sa bagyong Jolina. Sa pakikipagtulungan ng DSWD Eastern Samar Sub-Field Office (SFO) at ng mga Local Government Units, patuloy ang isinasagawang pamamahagi nitong mga FFPs.

Ayon sa ulat mula sa Eastern Samar SFO, patuloy ang pamamahagi ng FFPs sa Hernani, General Macarthur, at Mercedes, habang natapos na ang distribusyon sa Quinapondan, Salcedo at Maydolong.

May inilaan na 24,660 na FFPs ang DSWD bilang pagresponde sa bagyong Jolina. Sa bilang na ito, 23,120 FFPs (93.76% ng alokasyon) na ang nai-release sa iba’t-ibang mga LGU, at sa bilang naman na ito, 15,242 na ang naipamahagi sa mga benepisaryo.

Patuloy naman ang DSWD sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU upang maipamahagi na ang mga FFPs.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagresponde sa mga sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit

photo credits Joseph Dela Peña