Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pag-release ng Family food Packs (FFPs) para sa mga Local Government Units na naapektuhan ng bagyong Jolina. Kamakailan, nag-withdraw ang Local Government Unit ng Lawaan, Eastern Samar ng 2,000 Family Food Packs (FFPs) mula sa Regional Resource Operations Section ng DSWD.

May inilaan ang DSWD na 24,660 FFPs para sa mga naapektuhan ng bagyong Jolina. Mula sa alokasyon na ito, umabot na sa 22,716 na FFPs (na nagkakahalaga nang P11,166,733.52) ang nai-release. Sa bilang naman na ito, 14,195 na ang naibahagi sa mga benepisaryo.

Kasama sa mga LGU na nag-request at nakapag-withdraw ng mga FFPs ang:

2,500 FFPs sa Quinapondan,
1,000 sa Mercedes,
2,000 sa Maydolong,
2,000 sa Hernani,
1,671 sa Salcedo,
2,300 sa General Macarthur
2,000 sa Lawaan,
2,315 sa Calbiga,
2,484 sa Tagapul-an,
1,900 sa San Sebastian,
475 sa Jiabong,
265 sa Catbalogan City,
1,144 sa Sto. Niño, at
662 para sa Burauen

Sa ngayon, naka-antabay pa rin ang DSWD para sa mga LGU na kukuha pa ng mga FFPs na nakalaan para sa kanila.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagresponde sa mga sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit