Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pag-release ng Family food Packs (FFPs) para sa mga Local Government Units na naapektuhan ng bagyong Jolina. Kamakailan, nag-withdraw ang lokal na pamahalaan ng General Macarthur ng 2,300 na Family Food Packs (FFPs) mula sa warehouse ng DSWD sa Palo, Leyte at mula sa mga nakapreposition na FFP sa Eastern Samar.

Isa lamang ang General Macarthur sa mga LGU mula sa Eastern Samar na nag-withdraw na ng FFPs bilang pagresponde sa bagyong Jolina. Maliban dito, nag-withdraw na rin ng 2,500 na FFPs ang Quinapondan, 1,000 sa Mercedes, 2,000 sa Maydolong, 2,000 sa Hernani, at 1,671 sa Salcedo. Sa Samar naman, nag-withdraw na ng 2,315 FFPs ang Calbiga, 2,484 sa Tagapul-an, 1,900 sa San Sebastian, 475 sa Jiabong, 265 sa Catbalogan City at 1,144 sa Sto. Niño. Mayroon ding ini-release na 662 FFPs para sa Burauen, Leyte.

Sa kabuaan, 20,716 FFPs, na nagkakahalaga nang P10,081,424, ang nai-release na ng DSWD. Ito ay 84% mula sa kabuuang alokasyon ng ahensya na 24,660 FFPs para sa bagyong Jolina.

Sa ngayon, naka-antabay pa rin ang DSWD para sa mga LGUs na kukuha ng mga FFPs na nakalaan para sa kanila.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagresponde sa mga sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit