Nag-release ang DSWD Eastern Visayas ng 334 na Family Food Packs (FFPs) para sa Brgy. San Jose, Mapanas, Northern Samar. 

Bahagi ito ng augmentation sa isinasagawang relief operations ng lokal na pamahalaan para sa 167 na pamilyang naapektuhan ng isang engkwentro noong Nobyembre 20. Naunang namahagi ang LGU ng 167 na relief goods at hygiene kits. Nagsagawa din sila ng stress debriefing. 

Bawat FFP ng DSWD Eastern Visayas ay may laman na anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang sachet ng kape at limang cereal drink.

Patuloy namang nagpapaalala ang ahensya na ayon sa Republic Act 10121, ang LGU ang unang rumeresponde sa mga sakuna. Maaring mag-release ng mga relief goods ang DSWD kapag mag-request ang mga LGU.

#DSWDMayMalasakit