Ngayong panahon ng pandemya, naging pangangailangan ang facemask dahil sa proteksyon na ibinibigay nito laban sa COVID-19.

Dahil sa pangangailangan na ito, nagtulungan ang Office of the President, Department of Health, at DSWD Eastern Visayas upang makapamahagi ng mga facemasks sa 143 na Local Government Units sa Rehiyon VIII.

Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD ng 1,344,100 na mga facemasks sa 76 na LGUs. Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang makuha na ng iba pang mga LGUs ang kanilang alokasyon.

Ipinapapaalala dinng ahensya na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, mas mainam na lagi nating sundin ang mga health protocols, katulad ng pagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar, paghuhugas o pagsa-sanitize ng kamay, at ang pagpapatupad ng physical distancing.

#DSWDMayMalasakit

photo credits 4Ps Palo