Narito ang sagot sa inyong mga kadalasang tanong ukol sa DSWD AICS – Educational Assistance – Online Appointment Portal.

1. Tanong : Nakapagregister na kami sa link, sa QR Code at sa pamamagitan ng text ngunit wala pa ring text message mula sa DSWD. Kailan kaya kami makakatanggap ng text message mula sa DSWD?

Sagot : Makakatanggap kayo ng text message mula Martes, Agosto 30, 2022 at sa mga susunod nitong araw, ngunit hindi po kayo sabay sabay na makakatanggap nito.

2. Tanong : Ano po ba ang text message na matatanggap namin mula sa DSWD?

Sagot : May tatlong (3) klase ng text message, at isa dito ang maaari mong matanggap:

a. “Base sa resulta ng initial assessment kayo ay isa sa CONFIRMED CLIENT” ngayong (Schedule: Petsa, ORAS: __________) sa (Venue: ___________________”

b. “Upang ma proseso, maaaring mag reply sa pamamagitan ng pag-type ng mga sumusunod… ipadala sa numerong _____________________”

c. “Napag-alaman sa initial assessment na ikaw ay miyembro ng 4Ps/MCCT/Scholar ng Ahensiya kung kaya ikinalulungkot po naming sabihin na hindi na maaaring makapag apply sa educational assistance”

3. Tanong : Maaari ba naming tawagan ang numerong nakalagay sa text message ng DSWD FO8?

Sagot : Hindi po dahil eto ay isang information system.

Antabayanan ang susunod na mga anunsiyo dito sa Facebook Page: DSWD Eastern Visayas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD