Nagsagawa ng Consultation Dialogue ang DSWD Field Office VIII kasama ang 150 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) parent leaders at representatives ng Samahan ng Nagkakaisang Pantawid Pamilya (SNPP) mula Leyte at Samar ngayong araw sa The Oriental Hotel, Palo, Leyte.

Sa nasabing konsultasyon napag-usapan ang mga pinaka-importanteng paksa tungkol sa implementasyon ng 4Ps kabilang na ang identification o pagkilala sa mga Listahanan Non-poor, mga isinasagawang validations at ang Exiting Households.

Layunin ng pagtitipon na ito na magtulungan ang lahat, maging aktibo, may alam at pag-unawa tungkol sa 4Ps at polisiya nito; at mapaghusay ang paggawa ng bawat desisyon para sa programa at sa kinabukasan ng mga bata at pamilyang sinusuportahan ng 4Ps.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales ng DSWD mula sa national at regional offices kasama na si DSWD Assistant Secretaries Florentino Loyola Jr. and Ma. Evelyn B. Macapobre, 4Ps National Program Manager Gemma B. Gabuya, Regional Director Grace Q. Subong, Assistant Regional Director for Operations Natividad G. Sequito, and 4Ps Management Division Chief Paula B. Unay.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD