“Kinakaya” ito ang sagot ni Carmelita nang siya ay kumustahin sa kung paano niya sinisikap na matugunan ang pangangailangan ng kanyang dalawang anak gayun na siya ay solo parent. Simula ng namatay ang kanyang asawa noong 2016 ay mag-isa niyang kinakayod ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na sa pag-aaral nito gayung nasa kolehiyo at elementarya na ang mga ito. Malaki ang kanyang pasasalamat sa DSWD sa naiabot na tulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng AICS-Educational Assistance.

Sambit ni Carmelita, “Kinakaya kahit mahirap maging isang solo parent. Mabuti nalang andiyan palagi ang DSWD para umalalay sa akin at sa aming pamilya. Katulad ngayon, sa nakuha kong educational assistance mula sa DSWD, mayroon na akong budget sa pagpatahi ng uniform at iba pang pangangailangan ng aking anak na nasa Grade 12. Maraming salamat DSWD.”

Isa si Carmelita sa nakakuha ng educational assistance noong Agosto 27 sa Astrodome,Tacloban City. Nagpunta siya sa venue matapos siya ay makatanggap ng appointment text message mula sa tanggapan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD