Senior highschool si Jeric ngayong pasukan. Batid niya ang hirap na walang ibang kamag-anak na pwedeng umalalay sa kanyang mga kakailanganin sa darating na pasukan.

Siya ay taga-Tacloban City at nasawi sa Super Typhoon Yolanda ang kanyang mga magulang taong 2013. Ang lola niyang senior citizen na lamang ang nag-aalaga sa kanya. Dahil sa katandaan nito, hindi na din kayang matustusan ang pangangailangan ni Jeric.

Kung kaya’t malaki ang pasasalamat ni Jeric sa DSWD sa natanggap na AICS-Educational Assistance at para sa pag-alalay sa katulad niyang walang wala rin sa buhay.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD❤