LOOK: Maayos na isinasagawa ang unang sabado ng pagtanggap ng mga kliyente at pagproseso ng educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD sa sub-field office (SFO) sa Maasin, Southern Leyte.

Bago magsimula ang pagproseso ng assistance ay nagkaroon muna ng orientation si SFO team leader Riza Basalio sa mga kliyente at pinaalalahan ang lahat na sumunod sa health protocols.

Pinapaalalahanan naman ng tanggapan na dalhin ang mga kumpletong dokumento at pumunta sa regional office at sub-field offices ng bawat probinsya sa mga sumusunod na address:

 Tacloban at probinsya ng Leyte: DSWD Field Office VIII building,

Government Center, Candahug, Palo Leyte

 Biliran: Castin St., Brgy. Santissimo Rosario, Naval, Biliran

 Southern Leyte: Brgy Tagnipa Poblacion, Maasin City

 Samar: Brgy. San Policarpo, Calbayog City, Samar

Brgy. 13, San Francisco St., Catbalogan City, Samar

 Eastern Samar: 2nd Flr., Chinabank Building, Brgy. Balud, Borongan City, Eastern Samar

 Northern Samar: Sitio Macopa, Brgy. Macagtas, Catarman, Northern Samar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD