UPDATE: Nagsimula nang tumanggap ang tanggapan ng DSWD Eastern Visayas ng mga kliyente ng Assistance to Individuals In Crisis Situations (AICS)- Educational Assistance. Sa kasalukuyan ay nasa 251 kliyente na ang nabigyan ng priority numbers sa DSWD Field Office VIII building, Candahug, Government Center, Palo Leyte.

Gayunpaman, nagsisimula na rin ang pagtanggap ng kliyente ng mga sub-field offices sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon.

Mariing pinapaalalahanan naman ng tanggapan na sundin pa rin ang minimum health protocols habang nasa pila. Hinihikayat rin ng pamunuan ang publiko na iwasang dalhin ang kanilang mga anak na bata sa venue bagkus ay magdala na lamang ng tubig, biscuit, o anumang maaring inumin at kainin habang naghihintay sa pila.

Ngayong araw, Agosto 20, ang unang Sabado nang pagproseso ng educational assistance. Ito ay magpapatuloy sa mga sumusunod na petsa; Agosto 27, Sityembre 3, 10, 17 at 24.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD