PABATID SA PUBLIKO

Schedule ng AICS Educational Assistance Pay-out

Ngayong Sabado, Agosto 27, 2022, magpapatuloy ang pagproseso ng AICS Educational Assistance sa iba’t ibang probinsiya sa rehiyon.

Para sa probinsiya ng Leyte, ang mga makakatanggap ng appointment sa pamamagitan ng text message mula sa aming opisina ang ipoproseso ng ahensya. Ang mga mabibigyan ng appointment ay mga aplikante na pumila sa opisina ng DSWD Field Office VIII noong Sabado, August 20, 2022.

Kung ikaw ay may appointment, tiyaking dalhin ng kumpleto ang mga sumusunod na dokumento:

1. Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy) – Certificate of Enrolment/Registration/school ID/ statement of account

2. Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo) o

Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid ID ng estudyanteng aplikante kung nasa legal age na

Para naman sa mga nasa probinsya ng Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Southern Leyte, ang mga may reservation o priority number lamang ang tatanggapin.

Mariin naming pinaaalalahanan na ANG MAY MGA APPOINTMENT lamang ang aming tatanggapin, ito ay para makapagbigay kami ng mas sistematikong paraan ng pagbibigay serbisyo.

Hinihikayat din ng pamunuan ang publiko na iwasang dalhin ang kanilang mga anak na bata sa venue bagkus, magdala na lamang ng tubig, biscuit, o anumang maaring inumin at kainin habang naghihintay.

Antabayanan ang aming susunod na anunsyo.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD