Nasa 2,210 kliyente sa buong rehiyon ang nakatanggap ng DSWD AICS-educational assistance sa unang Sabado ng pagproseso nito. 448 kliyente nito ay mula sa Leyte; 141 sa Biliran; 368 sa Southern Leyte; 635 sa Samar; 408 sa Northern Samar; at 210 sa Eastern Samar. Ito ay katumbas sa Php 6.2 million kabuoang pinansiyal na ayuda.

Ang Educational Assistance ay pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATIONS (AICS) ng kagawaran. Ito ay para sa mga STUDENTS-IN-CRISIS na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD