Kasalukuyang nasa 104 kliyente na mayroong student-in-crisis sa elementary, highschool at college ang nakatanggap ng educational assistance sa DSWD Field Office VIII, Candahug, Palo Leyte.

Pagkatapos mabigyan ng priority number ang kliyente ay didiretso sila sa nakahandang desk kung saan i-assess ng social worker ang kanilang eligibility kasama na ang maayos na pagsuri sa mga dala nilang dokumento. Matapos ang masusing assessment ay susundan ito ng pagproseso o pag-release ng assistance.