Bukas, September 3, 2022, mahigpit na ipatutupad sa lahat ng sites na WALANG WALK IN CLIENTS ang ipoproseso.

Para sa mga probinsiya ng Leyte, Biliran, Samar at Southern Leyte, ang tanging may appointment text message lamang ang ipoproseso bukas sa mga oras at venue na nakasaad sa appointment text message.

Para sa mga probinsiya ng Eastern Samar at Northern Samar, ang natitirang may priority number at may appointment text message lamang ang ipoproseso. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang karugtong na post nito.

Pinapaalalahanan po ang lahat ng nakatanggap ng appointment text message mula sa DSWD FO8 at ang mga may priority number kung sa DSWD SubField Offices, na tiyaking dalhin ng KUMPLETO ang mga sumusunod na dokumento:

1. Isang (1) orihinal at isang (1) photocopy) – Certificate of Enrolment/Registration/school ID/ statement of account;

2. Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid I.D ng parents o guardians (kung menor de edad ang benepisyaryo) OR Orihinal at dalawang (2) photocopies ng valid ID ng estudyanteng aplikante kung nasa legal age na.

Ang ID na isusumite ay dapat VALID na ang ibig sabihin ay:

● Hindi expired. Kailangang valid pa sa araw ng pag apply ng Educational Assistance; Kung school ID, ito ay para sa School Year 2022-2023;

● Hindi peke;

● Mainam kung may lagda, maliban kung Philsys ID;

● Mainam kung may larawan

Siguraduhin ding dalhin ang appointment text message na mula lamang sa DSWD FO8 at hindi sa anumang numero at lalong hindi sa Messenger. Mag-iingat po tayo sa TEXT SCAMS.

Hinihikayat din ang lahat na hindi na dalhin ang maliit na bata sa venue. Magdala ng pamaypay, maiinom at makakain habang tayo ay pumipila para sa pagproseso ng educational assistance.

Mariin din po naming pinapaalala na sumunod tayo sa minimum health protocols na ipinapatupad upang maiwasan ang pagkalat ng virus katulad ng COVID-19.

Antabayanan ang susunod na mga anunsiyo sa Facebook Page: DSWD Eastern Visayas

PABATID SA PUBLIKO PARA SA NASASAKUPAN NG EASTERN SAMAR

AICS Educational Assistance Implementation on September 3, 2022 SATURDAY

Ang ipoproseo lamang ay yung may mga priority numbers mula 972 hanggang 1,297 at priority numbers mula 1,298 hanggang 1622.

•2nd Floor Main Library Function Hall, ESSU Main Campus, Borongan City- ALL COLLEGE APPLICANTS na may priority numbers mula 972 hanggang 1,622 o may confirmed appointment

•Brgy. Taboc Covered Court, Borongan City- ALL APPLICANTS for ELEMENTARY PUPILS and HIGHSCHOOL STUDENTS na may priority numbers mula 972 hanggang 1,297

•Brgy. Sabang South Covered Court- ALL APPLICANTS for ELEMENTARY PUPILS and HIGHSCHOOL STUDENTS na may priority numbers mula 1,298 hanggang 1,622

PABATID SA PUBLIKO PARA SA NASASAKUPAN NG NORTHERN SAMAR

AICS Educational Assistance Implementation on September 3, 2022 SATURDAY

NO WALK IN CLIENTS

Ang ipoproseo lamang ay yung may mga priority numbers at may mga appointment text message para bukas, September 3, 2022, araw ng Sabado.

Mga importanteng tandaan para maiwasan ang pagsisiksikan:

•Para sa mga nakatanggap ng appointment text message, pumunta sa venue kung saan nakasaad ang text message.

•Para sa may priority number, pumunta sa venue kung saang cluster ang munisipyo kung saan kayo nakatira.

Narito ang listahan ng clustering ng municipality:

Balicuatro Cluster – Venue is at Allen Evacuation Center, Sabang, Allen, Northern Samar

• San Isidro

• Victoria

• Allen

• Lavezares

• San Vicente

• Capul

• San Antonio

• Biri

Pacific Cluster – Venue is at LIECO Gym, Rawis, Laoang

● Pambujan

● Catubig

● Las Navas

● Laoang

● Palapag

● Gamay

● Mapanas

● Lapinig

Central Cluster- Venue is at Catarman Freedom Park

• Catarman

• San Jose

• Rosario

• Bobon

• Lope de Vega

• Mondragon

• San Roque

• Silvino Lubos

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD