Si Grizzel at ang kanyang asawa ay walang permanenteng pinagkukunan ng pagkakakitaan.

Si Grizzel ay isang housewife at paminsan-minsang umi-extra bilang labandera. Samantalang construction worker naman ang kanyang asawa na planong mamasada na lamang ng pedicab pagkatapos ng kontrata nito. May tatlo silang anak na nag-aaral, isang highschool at dalawang nasa elementarya.

Laking pasasalamat ni Grizzel na isa siya sa mga nakatanggap ng Educational Assistance ng DSWD.

“Nagpapasalamat ako na mayroong programang ganito ang DSWD. Ang perang aking natanggap ay ipambibili ko ng school uniform, sapatos at iba pang mga pangangailangan sa eskwelahan ng aking mga anak. Malaking tulong talaga ang educational assistance ng DSWD.”

Si Grizzel ay nakakuha ng educational assistance noong Setyembre 4, 2022, matapos makatanggap ng appointment text message mula sa DSWD.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD