TINGNAN: Inilapit natin ang educational assistance sa ating mga kababayan mula sa island municipalities ang probinsiya ng Northern Samar.

Narito sa Allen, Northern Samar ang ilan sa mga kliyente ng Balicuatro Cluster na may priority number o appointment text message.

Kabilang sa Balicuatro Cluster ang mga bayan ng San Isidro, Victoria, Allen, Lavezares, at mga islang bayan ng San Vicente, Capul, San Antonio at Biri.

Naging posible ang pag aabot natin ng ayuda sa pagtutulungan ng DSWD, DILG at mga supportive na Local Government Units.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD