TINGNAN: Sa tulong ng mga kawani ng Philippine National Police Regional Office 8, nagpapatuloy ang produksyon ng family food packs (FFPs) sa Regional Resource Operations Center ngayong araw.

Sa pinakahuling tala, nasa 25,197 FFPs na ang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa rehiyon na may kabuuang halaga na ₱15,495,498.78.

Ito ay paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyo sa Eastern Visayas ngayong typhoon season.

Ayon sa PAGASA, ang peak ng panahon ng bagyo ay Hulyo hanggang Oktubre, kung kailan nabubuo ang halos 70% ng mga bagyo sa isang taon.