TINGNAN: Sinigurado ng DSWD FO VIII na makaaabot sa pinakamalalayong lugar ng rehiyon ang tulong edukasyon para sa ating mga estudyanteng nakararanas ng krisis.

Dito sa Laoang, Northern Samar nagaganap ang pagproseso ng educational assistance para sa mga may priority number at appointment text message ng mga munisipyong kabilang sa Pacific Cluster. Kabilang dito ang mga bayan ng Catubig, Pambujan, Las Navas, Laoang, Palapag, Gamay, Mapanas at Lapinig.

Naging posible eto sa pagtutulungan ng DSWD, lokal na pamahalaan ng Laoang, DILG, PNP at ang ating mga kasamahan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD