Patuloy ang DSWD Field Office VIII sa pamamahagi ng tulong sa iba’t-ibang mga indigent na pamilya sa Eastern Samar. Kasama si Senator Imee Marcos, ang Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Ben Evardone, at mga Local Government Units, nagsagawa ang DSWD ng distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa mga identified na solo parents, mga magsasaka, mga mangingisda, at mga nagtatrabaho sa transport sector.

Isinagawa ang simultaneous payouts noong June 3 sa Oras, Guiuan, at Borongan City, Eastern Samar. Matagumpay na nakapamahagi ang ahensya ng P11,754,000 na AICS sa 3,918 na mga benepisaryo. Sa bilang na ito, P3,852,000.00 ang ipinamahagi sa 1,284 na benepisaryo sa Oras, P2,868,000.00 sa 956 na benepisaryo sa Guiuan, at P5,034,000 sa 1,678 na benesaryo mula sa Borongan City. Nakatanggap ang bawat benepisaryo ng P3,000 na AICS.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD