Patuloy ang DSWD Field Office VIII sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pinakahuling tala ngayong Hunyo, nakapamahagi na ang ahensya ng P155,245,000 sa 18,625 na mga benepisaryo mula sa 25 na mga munisipyo at syudad.

Nakapamahagi na ang DSWD ng ESA sa Sulat, Giporlos, Hernani, at Lawaan sa Eastern Samar; Palo, Ormoc City, Baybay City, Inopacan, Javier, Mahaplag, Matalom, at Hindang sa Leyte; Limasawa, Maasin City, Macrohon, Padre Burgos, Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Pintuyan, San Francisco, San Ricardo, Silago, at Sogod sa Southern Leyte.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD at ang mga lokal na pamahalaan para maisagawa ang distribusyon ng ESA sa iba pang mga target na LGU. Para sa iskedyul ng distribusyon sa inyong munisipyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.

Ang ESA ay isang tulong-pinansyal na ibinabahagi para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dulot ng sakuna. Nagkakahalaga ang ESA para sa bagyong Odette ng P10,000 para sa mga may fully-damaged houses at P5,000 para sa mga may partially-damaged houses.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD