Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng distribusyon ng Food and Non-food relief Items (FNFIs) para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Ormoc City. Katuwang ang lokal na pamahalaan at ang Tingog Partylist, namahagi ang DSWD ng 130 na Family food Packs (FFPs), 65 na sleeping kits, 65 na family kits, at 130 na 6-liter mineral water. Dagdag dito, namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ng family food packs, shelter kits, hygiene kits, cooking utensils, at mga kumot.

Maliban sa FNFIs, nauna nang nagbahagi ang DSWD FO VIII ng tulong-pinansyal para sa mga pamilyang ito. Umabot na sa P620,000.00 Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ang naipaabot ng ahensya.

Bawat FFP ay may laman na anim na kilong bigas, limang kape, limang cereal energy drink, at sampung de lata.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD