Nagpaabot kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng food and non-food relief items sa mga naapektuhan ng sunog sa Tolosa, Leyte. Namahagi ang ahensya ng Family Food Packs (FFPs), sleeping kit, kitchen kit, family kit, hygiene kit at distilled water para sa dalawang pamilya at isang sharer. Namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Tolosa ng bigas, mga de lata, mga gamit sa kusina, kumot, at sleeping mats.

Maliban dito, nagpaabot din ang DSWD ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na tulong-pinansyal. Namahagi ang ahensya ng P10,000 para sa dalawang pamilya at P5,000 para sa isang sharer. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P25,000.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa lokal na pamahalaan para sa mga pangangailangan nitong mga nasunugan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD