Nakiisa ang DSWD Field Office VIII sa paggunita ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang kawani at mga kliyente ng ahensya mula sa tatlong lokasyon – sa Field Office, sa Centers and Residential Care Facilities sa Palo, at sa Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tanauan.

Kasama din sa pagsasanay ang pagresponde sa mga aksidente, pag-rescue at first aid, at pag-apula sa sunog na maaaring mangyari dahil sa lindol.

Ang NSED ay isang pagsasanay na ginagawa bilang paghahanda sa lindol. Isinasagawa ito bawat quarter ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga Local Government Units, at mga pribado at mga non-government na organisasyon. Layunin nitong masanay ang lahat ng mga kalahok sa mga dapat gawin kung lumindol. Kasama dito ang pagsasagawa ng Duck, Cover and Hold. Kapag lumindol, dapat dumapa (duck), maghanap ng matibay na masisilungan (Cover), at maghintay na matapos ang lindol (Hold). Kasama din sa pagsasanay na ito ang maayos na pag-evacuate.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD