Nagbahagi ang DSWD Field Office VIII ng P620,000.00 na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Ormoc City. Nagsagawa kamakailan ang DSWD ng distribusyon sa Brgy. Libertad Gym, kung saan 62 na mga pamilya ang nakatanggap nitong tulong-pinansyal.

Dagdag dito, namahagi din ang lokal na pamahalaan ng Ormoc ng family food packs, shelter kits, hygiene kits, cooking utensils, blankets. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa LGU para sa iba pang mga pangangailangan ng mga nasunugan.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbangon ng mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD