Nagbahagi ang DSWD Field Office VIII ng paunang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 13, Catbalogan City. Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Catbalogan sa pangunguna ni Mayor Dexter Uy, nakapamahagi ang DSWD ng 48 na hygiene kits, 48 kitchen kits, 38 family kits, at 48 sleeping kits. Bukod dito, namahagi din ang lokal at probinsyal na pamahalaan ng food packs at iba pang relief items.

Samantala, nagsagawa din ng inspeksyon si DSWD FO8 Regional Director Grace Subong sa mga naka-preposition na relief items sa nasabing siyudad. Ang prepositioning ay isang paghahanda laban sa mga bagyo at iba pang sakuna, kung saan nag-iimbak ang ahensya ng mga relief items, lalo na ng Family Food Packs, sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo. Sa pamamagitan nito, mas mapapabilis ang pagresponde ng DSWD sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa lokal na pamahalaan ng Catbalogan City para sa pangangailangan nitong mga naapektuhan ng sunog.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD