Nagpapatuloy ang DSWD Field Office VIII sa distribusyon ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa bagyong Odette. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng P191,115,000.00 sa 23,071 na mga benepisyaryo mula sa 27 na mga LGUs.

Nakapagsagawa na ang DSWD FO VIII ng distribusyon ng ESA sa Sulat, Giporlos, Hernani, at Lawaan sa Eastern Samar, Palo, Ormoc City, Baybay City, Inopacan, Javier, Mahaplag, Matalom, at Hindang sa Leyte, Bontoc, Limasawa, Maasin City, Macrohon, Padre Burgos, Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Pintuyan, San Francisco, San Ricardo, Silago, at Sogod sa Southern Leyte.

Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD at ang mga lokal na pamahalaan para maisagawa ang distribusyon ng ESA sa iba pang mga target na LGU. Para sa iskedyul ng distribusyon sa inyong munisipyo, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD