Nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Catbalogan City, Samar noong ika-10 ng Agosto, 2023.

Dinaluhan ng 24 na mga City/Municipal Social Welfare and Development Officers (C/MSWDOs) sa probinsya ng Samar at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon.

“Mahalaga ang Listahanan database para sa pagpapatupad ng mga social protection programs and services sa mga lokal na pamahalaan,” sabi ni Division Chief ng Policy and Plans Division Ofelia Pagay sa kanyang pambungad na mensahe sa naturang aktibidad.

Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang mga mahahalagang paksa tungkol sa Listahanan kabilang ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) nito at ang mga proseso at mga kinakailangang dokumento sa pag bahagi ng mga datos ng Listahanan.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga lokal na pamahalaan ng Samar na gamitin ang Listahanan database upang magsilbing basehan nila sa pagpili ng mga karapat-dapat na mga benepisyaryo ng kanilang mga programang naglalayong iangat sa kahirapan ang mga nangangailangan.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa probinsya ng Samar.

Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay isang proyekto ng ating pamahalaan sa tanggapan ng DSWD na naglalayong tukuyin kung sino at nasaan ang mahihirap sa buong bansa.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3