DSWD Field Office VIII Magkakasunod na Ibinahagi ang Listahanan 3 Database sa mga Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe, Leyte, Calubian, Leyte at Albuera, Leyte

Nagpapatuloy sa pagbahagi ng pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang DSWD Field Office VIII.

Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at magkakasunod na pamamahagi ng nasabing database sa mga lokal na pamahalaan ng Santa Fe, Leyte, Calubian, Leyte at Albuera Leyte noong ika-5-7 ng Setyembre, 2023.

Pormal na ibinigay ni Policy and Plans Division (PPD) Division Chief Ofelia Pagay, Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga at Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa municipal mayor ng Santa Fe, Leyte na si Hon. Amparo Monteza. Naroon din sa aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) na si Francis Louis Bedua.

Tinanggap naman ng municipal mayor ng Calubian, Leyte na si Hon. Marciano Batiancela Jr., MSWDO Corazon Lerios at Administrative Aide Sheila Mae Cabalquinto ang Listahanan 3 database para sa lokal na pamahaalan ng Calubian, Leyte.

Ibinahagi rin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan sa lokal na pamahalaan ng Albuera, Leyte. Ito ay pormal na tinanggap nina MSWDO Maria Minerva Cubi, Municipal Administrator Mario Cubi, Community Affairs Officer I Merry Joy Mendiola at Administrative Aide III Brylle Anthony Chavez.

Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan upang magsilbing basehan sa pagpili nila ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap.

Sa kasalukuyan, naipamahagi na ang Listahanan 3 database sa pitong (7) lokal na pamahalaan sa Rehiyon Otso.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3