Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang gamitin ang Listahanan database o ang pinakabagong Talaan ng Pamilyang Nangangailangan, nagsagawa ng Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang DSWD Field Office VIII sa Borongan City, Eastern Samar noong ika-1 ng Setyembre, 2023.

Dinaluhan ng dalawampu’t lima (25) na mga Provinicial/City/Municipal Social Welfare and Development Officers (P/C/MSWDOs) sa probinsya ng Eastern Samar at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon.

Sa pagtitipon na ito, tinalakay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga ng Listahanan ang tungkol sa mga Standard Operating Procedures (SOPs) ng Listahanan at ang mga mahahalagang dokumento na kinakailangang ma proseso upang maayos na maibahagi ang mga datos.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa probinsya ng Eastern Samar.  

Ang Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay pinagtibay noong 2010 sa bisa ng Executive Order No. 867, Series of 2010. Ito ay nakatutok sa pagtukoy ng mahihirap na sambahayan sa bawat lungsod at municipalidad. Kasama na rito ang partikular at pangunahing mandato nitong mabuo at maipamahagi ang datos nito para sa pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo ng mga social protection programs ng gobyerno.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3