Sa kauna-unahang pagkakataon, ang DSWD Field Office VIII ay nagsagawa ng Training of Trainers (TOT) para sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons Protection (IDPP). Ito’y dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang dibisyon, seksyon at Sub-Field Offices noong Oktubre 16-20, 2023, sa Ormoc City.

Pinangunahan ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO8 ang nasabing pagsasanay. Nagbahagi ng kanilang kaalaman hinggil sa wastong pamamahala ng mga evacuation centers at pag-poprotekta sa mga internally displaced persons ang mga tagapagsalita na sina Romar Delfin, Angelyn S. Agundo, Gerald Nino Pornea, at Melchor Lagartija, na pawang mula sa DSWD Region IV-B (MIMAROPA). Sa kanyang mensahe, inihayag ni Regional Director Grace Q. Subong na ito’y isang mahalagang pagkakataon upang ang Field Office VIII ay makapulot ng magagandang praktis patungkol sa CCCM at IDPP mula sa Field Office IV-B.

Ayon sa isa sa mga partisipante na si Ma. Reyschel Balase, SWO III ng Standards Section ,“ [Through the training] we were able to learn and [are] ready to impart/transfer the knowledge to the LGU and other stakeholders. Furthermore, the training team was prepared and did a good job.”

Sa tulong ng pagsasanay na ito, mas lumawak ang bilang ng mga tagapagsanay na maaaring magbahagi ng kanilang kaalaman sa mga lokal na pamahalaan at sa sinumang nangangailangan ng pagsasanay ukol sa mga temang ito.

Isa ito sa mga hakbang ng ahensya na naglalayong mapalawak ang paghahanda ng rehiyon upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga taong apektado sa mga kalamidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD