Isang Consultation Dialogue tungkol sa Listahanan Data Sharing ang ginanap sa Ormoc City, Leyte noong ika-6 ng Oktubre, 2023.

Dinaluhan ng mga Provinicial/City/Municipal Social Welfare and Development Officers (P/C/MSWDOs) at ng kanilang mga kinatawan ang nasabing konsultasyon. Kabilang sa mga kalahok sa aktibidad na ito ang mga Lokal na Pamahalaan ng ikatlo, apat at limang distrito ng Leyte at ng mga Lokal na Pamahalaan ng Biliran.

Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ni Statistician II Aileen Joy Silvestre ng Listahanan ang mga Standard Operating Procedures (SOPs) ng proyekto at ang mga detalyadong hakbang at mga dokumentong mga kinakailangan upang maibahagi ang datos ng Listahanan sa mga lokal na pamahalaan.

Ibinahagi naman ni ITO II Romart So ng Listahanan ang panibagong Listahanan Search Application. Sa pamamagitan nito, mas madali at mabilis na ang proseso sa pagtukoy kung sino-sinong mga indibidwal ang mga napapabilang sa mahihirap.

Samantala, naroon din sa aktibidad ang mga kinatawan ng Leyte V Electric Cooperative (LEYECO V) na sina Ghanda Bernandino at Paul Jason Dagamac. Tinalakay ni Membership Services Division (MSD) Chief Ghanda Bernandino ang Republic Act 11552 o ang Lifeline Rate Discount Program. Tumutukoy ito sa matatanggap na diskwento sa bayarin sa kuryente para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na kumukunsumo ng kuryente na 100kWh o pababa kada buwan pati na rin ang mga sambahayan na namumuhay sa mas mababang antas ng poverty threshold ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Consultation Dialogue na ito, inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database para sa pag tukoy ng mga potensyal na mga benepisyaryo ng iba’t ibang mga programa at serbisyong panlipunan sa buong rehiyon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3