Bilang paghahanda laban sa mga bagyo at iba pang mga sakuna, laging sinisigurado ng DSWD na may sapat na Family Food Packs (FFPs) sa Regional Resource Operations Center.

Maliban dito, nagsasagawa din ang DSWD, mga partner agencies, at LGUs ng prepositioning. Ito ang paglalagay ng FFPs at mga Non-Food Relief Items sa iba’t-ibang strategic locations dito sa Eastern Visayas bago pa man magkaroon ng sakuna.

Dahil dito, mas mapapabilis ang pagresponde at pag-augment ng DSWD sa mga apektado at nangangailangang LGU.

Patuloy namang pinapaalala ng DSWD na bawal ibenta ang mga FFPs na ito.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD