Patuloy ang DSWD Field Office VIII sa pamamahagi ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilya na apektado ng matinding pag-ulan at pagbaha na dulot ng Low Pressure Area at Shear Line.

Sa kasalukuyan, nakapamahagi na ang DSWD ng 6,243 FFPs. Kabilang dito ang 98 FFPs sa Naval at Bontoc, 2,000 sa Gandara, 1,187 sa Arteche, 1,500 sa Jipapad, at 1,458 sa Sta. Margarita.

Bahagi ito sa ginagawang resource augmentation o suporta ng DSWD sa Local Government Units (LGUs) o Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs) para sa agarang tugon sa mga bikitma ng kalamidad.

Para sa relief operations sa inyong lugar, patuloy na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

📸 SFO Samar

#𝐋𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠𝐇𝐚𝐧𝐝𝐚𝐏𝐇

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD