Namahagi ng kabuuang 98 family food packs ang DSWD Field Office VIII sa mga pamilya at indibidwal na labis na naapektuhan ng Shear Line at Low Pressure Area (LPA) sa rehiyon. Sa bilang na ito, 6 na FFPs ang naipamahagi sa mga pamilyang apektado ng landslide mula sa Brgy. Pong-on, Bontoc, Southern Leyte.

Samantala, 92 FFPs naman ang naipamigay sa mga pamilyang nagsilikas sa Provincial Evacuation Center sa Naval, Biliran kasunod ng matinding pag-ulan.

Patuloy namang binabantayan ng kagawaran ang lagay ng panahon sa Eastern Visayas nang sa gayon ay agarang mabigyang tulong ang mga lokal na pamahalaan na nangangailangan ng augmentation support. Patuloy din ang DSWD sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU.

Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, makipag-ugnayan po tayo sa ating lokal na pamahalaan.

📸 SFO Biliran

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD