Tingnan: Nagpadala ang DSWD ng 1,500 na Family Food Packs (FFPs) para sa Lapinig, Northern Samar.

Bahagi ito sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng Low Pressure Area.

Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng 47,251 FFPs sa iba’t-ibang LGU sa buong Rehiyon. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga LGU.

Para sa disaster relief operations sa inyong lugar, patuloy po tayong makipag-ugnayan sa ating lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD