Tingnan: Namahagi kamakailan ang DSWD Field Office VII ng P3,460,515 na Emergency Cash Transfer sa 611 na pamilya na naapektuhan ng Severe Tropical Storm (STS) “PAENG” sa Bato, Leyte. Sa bilang na ito, 210 ang may totally damaged houses habang 401 naman ang partially damaged houses.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) financial assistance ay isang pamamaraan ng ahensya na naglalayong mabigyan ng humanitarian response o tulong ang bawat pamilya na naapektuhan ng bagyo o anomang sakuna upang makabangon at magkaroon muli ng pag-asang mamuhay ng matiwasay.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD