Tingnan: Nagsagawa ang DSWD at ang lokal at probinsyal na pamahalaan ng Northern Samar ng distribusyon ng Family Food Packs (FFPs) sa Catarman.

Pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group Diane Rose Cajipe, DSWD Field Office VIII Regional Director Grace Subong, Governor Edwin Ongchuan, at Mayor Francisco Aurelio E. Rosales III ang distribusyon nitong mga FFPs sa Brgy. Polangi, Catarman.

Sa pinakahuling tala, nakapagpadala na ang DSWD ng 10,000 na FFPs sa nasabing munisipyo.

Sa kabuuan, umabot na sa 47,251 na FFPs ang ini-release ng DSWD na nagkakahalaga ng P35, 698,077.50

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD