Maaga ang Pasko para sa mga bata sa pangangalaga ng DSWD Eastern Visayas Centers and Residential Care Facilities (CRCF) sa isinagawang Balik Sigla, Bigay Saya Gift-Giving Activity.

Namahagi ang DSWD at ang Office of the President ng mga gift packs na naglalaman ng bag, kumot, unan, at bath towel sa 100 na mga residents ng mga CRCF. Maliban dito, 74 naman na bata mula sa mga partner na Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) ang nakatanggap din ng mga gift packs sa simultaneous na aktibidad. Nagpalaro at nasagawa ng kanya-kanyang dance at musical presentation ang mga residents bilang pagdiriwang sa nasabing okasyon. Nagpahayag naman ng kanyang mensahe ng suporta ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga residents na ito.

May apat na Centers and Residential Care Facilities ang DSWD Eastern Visayas. Kabilang dito ang Home For Girls, Regional Rehabilitation Center for Youth, Regional Haven, at Reception and Studies Center for Children. Ang mga CRCF na ito ay kumukupkop at nangangalaga sa mga babae, menor-de-edad, at Children In Conflict with the Law, na nasangkot sa mga traumatic na mga insidente o naging biktima ng krimen.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD