TINGNAN: DSWD Field Office VIII Nagdiskarga ng 3,500 Family Food Packs (FFPs) bilang prepositioning sa Sulat, Eastern Samar.

Bawat FFPs ay naglalaman ng 6 kilos na bigas, 4 de lata na tuna flakes, 4 na sardinas, 4 na corned beef, 5 sachet ng powdered cereal drink, at 5 sachets ng kape. Kabilang din sa idiniskarga ang 15 pcs hygiene kits, 100 pcs family kits, at 100 pcs na kitchen kits na magagamit ng bawat pamilya sa oras ng sakuna.

Ang prepositioning of goods ay isa sa mga pamamaaraan ng ahensya upang paigtingin ang disaster preparedness at mabigyan ng agarang responde ang bawat LGU sa anumang uri ng kalamidad na maaring tumama sa atin.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD